MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na Indian national na asawa umano ng isang opisyal ng business process outsourcing (BPO) firm, ang natagpuang nakabigti at wala ng buhay sa loob ng kanilang tahanan sa isang exclusive village sa Pasig City nitong Martes ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Pirya Banga, residente ng Caimito St., Valle Verde, Barangay Ugong, Pasig City.
Batay sa ulat ng Pasig City Police, mismong ang kanyang asawang si Gaurav Banga, director ng Hinduja Global Solutions Inc., ang nakadiskubre sa bangkay dakong alas-4:30 ng madaling araw na nakabigti sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang pagpapakamatay.