MANILA, Philippines - Isang 9-taong gulang na batang lalaki ang naÂsagip ng pulisya makaraang i-hostage ng 18-anyos niyang kuya na lango sa alak at armado ng gunting, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nahaharap ngayon sa patung-patong na mga kaso ang suspek na nakilalang si Jefferson Coquia, ng San Isidro, Tala, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11 ng umaga nang umuwing langung-lango sa alak ang suspek at biglang hinablot ang bunsong kapatid na itinago sa pangalang “Boy†saka nagsisigaw na saÂsaksakin ito.
Agad na naalarma ang mga kaanak at mga kapitbahay ng biktima hanggang sa rumesponde ang mga tauhan ng pulisya.
Naging maingat naman sa negosasyon ang mga pulis dahil sa armado ng gunting at basag na bote ang suspek na nakatutok sa leeg ng bunsong kapatid.
Habang nakikipagnegosasyon, naibulalas ng lasing na suspek ang problema niya sa kanyang pamilya lalo na sa mga magulang at ang hirap na kanilang dinaranas.
Nagawa namang malansi ng mga pulis ang suspek at nakalapit hanggang sa madakma si Coquia at madisarmahan habang agad na nailayo ang hiÂnostage na kapatid.
Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan haÂbang idiniretso sa presinto ang kuyang suspek na isasailalim pa sa dagdag na imbestigasyon.