Delivery van isinalpok ng lasing na drayber; 2 patay

MANILA, Philippines - Sumalpok sa isang footbridge sa Quezon City ang isang delivery truck na minamaneho ng lasing na drayber nitong Biyernes.

Dalawa ang patay sa aksidente at isa sa kanila ang nakilalang si Biner Pagindol habang sugatan ang tsuper na si Eduardo Pabunita.

Ayon sa ulat, may isang sasakyan ang humahabol sa van bago ito sumalpok sa footbridge sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue.

Lumabas sa imbestigasyon na may nabangga na ang van bago pa man ito tumama sa footbridge.

Inamin ni Pabunita na lasing siya nang minaneho ang van na may kargang mga gulay.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments