MANILA, Philippines - Utas ang isang mister matapos itong barilin sa ulo sa tapat ng kanyang bahay ng hindi pa nakikilalang salarin, kamaÂkalawa ng umaga sa Navotas City.
Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril si Nilo Villanueva, 37, at residente ng North Bay Boulevard South, sa naturang lungsod.
Sa ulat ng Navotas City Police, kalalabas lang ng kanyang bahay ng biktima dakong alas-10 kamakalawa ng umaga nang lapitan ito ng hindi nakilalang lalaki at agad na pinaputukan ng baril sa ulo.
Mabilis na tumakas ang nag-iisang salarin makaraan ang pamamaril. Blangko naman ang mga awtoridad sa motibo sa naturang krimen ngunit inaalam kung may kaugnayan ito sa iligal na droga sa lugar.