MANILA, Philippines - Paghuhusayin ng Quezon City government ang learning methods at mga pasiÂlidad sa lahat ng public elementary at high schools sa lungsod para higit na maging competitive ang mga mag-aaral dito at matamo ang mataas na marka sa taunang National Achievement Test (NAT).
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, nagbigay na ng kahandaan ang mga city councilors mula sa lahat ng distrito para maglaan ng suporta sa mga mag-aaral para mapataas ang over-all standing ng mga estudyante sa hanay ng mga school districts sa Metro Manila na kukuha ng NAT.
Anya, ang QC division schools sa kaÂsalukuyan ay pang-labing-isa sa 16 na school districts sa National Capital Region (NCR).
“Many of our councilors are willing to give their full support to improve our ranking in the annual NAT conducted by the Department of Education (DepEd),†pahayag pa ni Belmonte.
Ang NAT ay taunang pagsusulit sa lahat ng grade 6 at fourth year high school students para masuri ang kanilang kaÂalaman tungkol sa subjects na English, Mathematics, Science, Filipino at Hekasi.