MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang mason na natagpuan kahapon ng umaga sa construction site sa Sampaloc, Maynila.
Tinatayang may anim na oras nang patay si Samuel Rico Cubacub, 49 ng no. 622 Cavo F. Sanchez St. Mandaluyong City nang matagpuan ng kanyang mga kasama sa trabaho sa construction site sa Lerma St. Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang maÂtagÂpuang patay ang biktima sa loob ng barracks.
MagÂbibihis umano ang kasamahang si Armando Mallari, 39, sa kanilang barracks nang mapansin ang naÂkatihayang biktima na kakaiba ang hitsura at hindi gumagalaw.
Nilapitan ni Mallari ang biktima upang giÂsingin subalit malamig na ang katawan nito kaya tinawag niya ang iba pang kasamahan at nagreport sa pulisya.
Sinasabing may sakit na diabetes ang bikÂtima na maaring naÂging dahilan ng pagkahilo nito kaya naisipan nang matulog at magpahinga. Dinala sa St. Rich Funeral Services ang bangkay ng biktima.