^

Metro

Lolo nabagok, tigok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkabagok ng ulo ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang 70-anyos na caretaker, nang mahulog sa aluminum ladder habang naglilinis ng bintana, sa bahay ng amo, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Lourdes Hospital, ang biktimang si Nestor Abu, stay-in caretaker ng no. 3010 Cordillera St., Sta. Mesa, Manila.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 10:30 ng umaga  nang utusan umano ng among si Natividad Siy, 77, ang biktima na linisin ang salamin ng kanilang bintana.

Ani Bautista, dahil matanda na rin ang caretaker, posibleng nawalan ng balance sa  aluminum ladder  na may taas na anim na talampakan na ginawang tuntungan upang maabot ang lilinising bintana.

Sumuka umano ng dugo at may lumabas ding dugo sa tenga ng biktima nang mahulog at agad namang dinala sa pagamutan.

Tinangka  naman ni Siy na pagtakpan ang  kri­men sa pahayag na sa upuan lamang nahulog ang biktima. Subalit nang siyasatin ay mataas ang kinabagsakan nito.

vuukle comment

ANI BAUTISTA

CORDILLERA ST.

JONATHAN BAUTISTA

LOURDES HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NATIVIDAD SIY

NESTOR ABU

PAGKABAGOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with