Enforcer dedo sa bike crash

MANILA, Philippines - Namatay ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa tapat ng Valle Verde V sa Barangay Ugong, Pasig City kahapon ng ma­daling- araw. Kinilala ang biktima na si Joel E. Acanto ng Block 3, Lot 1, Saturn corner Mars St. sa Sta. Maria Ampid, bayan ng San Mateo, Rizal. Sa ulat ng Pasig City PNP, nagmomotorsiklo ang biktima nang magkamali ng kalkulasyon sa iniwasang kongkretong gutter kung saan sumemplang ito saka sumalpok sa poste ng kuryente sa bahagi ng Julio Vargas Street sa nasabing lugar.  Isinugod pa ang biktima sa Rizal Medical Center subalit idineklarang patay.

 

Show comments