2 tiklo sa nakawan sa car shop

MANILA, Philippines - Kalaboso ang magka-live-in na sinasabing nagnakaw ng mga piyesa ng sasakyan sa pinapasukang car shop makaraang arestuhin ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga. Nahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek na sina Adrian Del Rosario at Jenny Romero, kapwa kawani ng Grand Tower Trading sa P. Sevilla Street, 5th Avenue sa naturang lungsod. Sa inisyal na ulat ng pulisya, napansin ng supervisor ng car shop na may iniabot na bag kay Del Rosario si Romero at nang sitahin ang dalawa ay biglang nagpaalam ang lalaki na aalis muna. Hindi naman pinayagan ng bisor na makaalis at ininspeksyon ang naturang bag ng mga security guard kung saan natuklasan na puno ang bag ng iba’t ibang car accessories. Nabatid naman na matagal nang napapansin ng pamunuan na nawawalan sila ng mga accessories kahit walang ibang taong nakakapasok sa tindahan.

Show comments