MANILA, Philippines - Hindi natakasan ng 29-anyos na dating guro ang kinakaharap na kasong panggagahasa makaraang arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest habang naglalaro ng basketÂball sa Brgy. Langaray, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Pormal na iniharap sa korte ang akusadong si Eduardo Cruz, Jr. ng Hipon St., Brgy. Dagat-dagatan sa nasabing lungsod.
Inihain sa suspek ang warrant of arrest na ipinaÂlabas ni Judge Amelia Tria-Infante ng Manila City Regional Trial Court Branch 09 sa kasong panggagahasa na isinampa ng mga maÂgulang ng menor-de-edad nitong estudyante.
Ayon sa ulat, ang suspek ay dating Math teacher sa isang mataas na paaralan sa lungsod ng Maynila kung saan sinasabing niyaya ng suspek ang biktima sa isang inuman at nang malasing ay isinagawa ang maitim na balak.
Nabatid din na sa umÂpisa ng proseso ng kaso ay dumadalo pa ang akusado sa korte subalit nang maglabas na ng warrant of arrest ay nagtago na si Cruz at hindi na rin nagpakita sa pinapasukang paaralan.