MANILA, Philippines - Limang katao ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng nasusunog na gusali sa Tondo, Maynila ngayong Martes.
Nakilala ang mga biktimang sina Joana dela Cruz, 21; Jamaica dela Cruz, 17; at mga nakilala pa lamang sa ngalang Shane, 21; Junjun, 16; at Tintin.
Ayon sa ulat, bandang alas-3 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na gusali sa kalye ng Tahimik, Delpan, Tondo.
Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras bago naapula bandang ala-5 ng umaga.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala.