Dispatcher inutas ng senglot

MANILA, Philippines - Patay ang 26-anyos na lalaki matapos barilin ng isang truck dispatcher na sinasabing naghuramentado at nag­hahanap ng  kalaban sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Napuruhan  a kaliwang dibdib at idineklarang patay sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Melchor Samonte ng #411 Morning Star Street, Tondo, Manila. Samantala, sa follow-up operation ng pangkat ni P/Senior Insp. Rozalino Ibay ay naaresto ang suspek na si Jerbert Labarte, 26, ng #420 Road 10, Tondo, Manila. Sa ulat ni PO2 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi naganap ang krimen sa  bisinidad ng Morning  Star Street. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima  sa kanyang mga kaibigan nang maghuramentado at naghahamon ng away ang suspek. Gayon pa man, napikon ang biktima at kinompronta ang senglot na suspek matapos batuhin ang kanilang inuman. Nauwi sa matinding sagutan ang dalawa hanggang sa putukan ng suspek ang biktima.

Show comments