MANILA, Philippines - Libu-libong halaga ng mga pekeng paÂbango at cosmetics ang nasamsam makaraang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang departÂment store sa CM Recto, sa Maynila, kahapon ng umaga.
Umaabot sa 500 huwad na DKNY at Clinique Happy perfumes, MAC Cosmetics products na binebenta sa ikalawang palapag ng Isetann Department Store ang nasabat ng raiding team ng NBI.
Ayon kay NBI Head agent Danielito Lalusis, isinagawa ang operasyon matapos magreklamo ang Estee Lauder Philippines intellectual property consultant na si Loy Ocampo matapos ang ginawa nilang test-buy sa Isetann at dalawa pang sangay nito sa Carriedo, Manila, at Cubao, Quezon City.
Kabilang sa mga produktong gawa ng Estee Lauder ay ang DKNY, Clinique Happy fragrances at MAC Cosmetics products.
Sinabi ni Ocampo na ang mga pinekeng produkto ng Estee Lauder ay mula sa China kung saan karamihan ay inilalako sa mga tindahan sa Divisoria. Aminado si Ocampo na hindi lamang ang kanilang benta ang apektado ng pamemeke kundi maging ang reputasyon ng kanilang brand.
Nabatid na ang 100ml perfumes na katulad ng orihinal ay nabibili lamang sa halagang P130 samantalang ang tunay na branded items ay nagkakahalaga nang P3,000 hanggang P5,000 kada isa.
Habang ang imitasyon naman aniyang MAC Cosmetics lipstick, concealer at founÂdation products ay nabibili lamang sa haÂlagang P30 hanggang P90, ngunit ang tunay na presyo na brand ay binebenta sa P800 hanggang P2,000 ng mga lehitimong distributors.