^

Metro

Department store ni-raid ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong halaga ng mga pekeng pa­bango at cosmetics ang nasamsam makaraang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang depart­ment store sa CM Recto, sa Maynila, kahapon ng umaga.

Umaabot sa 500 huwad na DKNY at Clinique Happy perfumes,  MAC Cosmetics products na binebenta sa ikalawang palapag ng Isetann Department Store ang nasabat ng raiding team ng NBI.

Ayon kay NBI Head agent Danielito Lalusis, isinagawa ang operasyon matapos magreklamo ang Estee Lauder Philippines intellectual property consultant na si Loy Ocampo matapos ang ginawa nilang test-buy sa Isetann  at dalawa pang sangay nito sa Carriedo, Manila, at Cubao, Quezon City.

Kabilang sa mga produktong gawa ng Estee Lauder ay ang DKNY, Clinique Happy fragrances at MAC Cosmetics products. 

Sinabi ni Ocampo na ang mga pinekeng produkto ng Estee Lauder ay mula sa China kung saan karamihan ay inilalako sa mga tindahan sa Divisoria. Aminado si Ocampo na hindi lamang ang kanilang benta ang apektado ng pamemeke kundi maging ang reputasyon ng kanilang brand.

Nabatid na ang 100ml perfumes na katulad ng orihinal ay nabibili lamang sa halagang P130 samantalang ang tunay na  branded items ay nagkakahalaga nang P3,000 hanggang P5,000 kada isa. 

Habang ang imitasyon naman aniyang MAC Cosmetics lipstick, concealer at foun­dation products ay nabibili lamang sa ha­lagang P30 hanggang P90, ngunit ang tunay na presyo na brand  ay  binebenta sa P800 hanggang P2,000 ng mga lehitimong  distributors.

CLINIQUE HAPPY

DANIELITO LALUSIS

ESTEE LAUDER

ESTEE LAUDER PHILIPPINES

ISETANN DEPARTMENT STORE

LOY OCAMPO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with