^

Metro

PLM prexy kinasuhan sa Ombudsman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal na kinasuhan ng isang  opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si PLM president  Artemio Tuquero sa Office of the Ombudsman.

Kasong ‘oppression, grave misconduct/ negligence in the performance of duty, dishonesty, grave abuse of authority and discretion’ ang  isinampa ni   Ma. Rolena Calinisan, chief ng Human Resources  Development Office   ng PLM.

Batay sa complaint ni  Calinisan,  nag-apply siya sa posisyon ng vice president for administration kung saan  inindorso din siya  ni  Manila Mayor  Joseph Estrada.

Bukod pa rin dito ang  sertipikasyon mula sa PLM Personnel Selection Board kung saan  pinatunayang  kumpleto ang kanyang  requirement at karapat dapat na posisyon ng  VP for administration.

Sinang ayunan din ito ng  PLM Board of Regents.

Laking gulat na lamang ni  Calinisan na matapos ang  10 buwang paghihintay ay may inilagay na nominee si Tuquero.

Dahil dito, hinihiling ni Calinisan sa Ombudsman na suspindihin si Tuquero dahil na rin sa pang-aabuso ng kanyang  tungkulin.

Lumilitaw umano sa Civil­ Service Commission na  invalid ang  appointment ni Tuquero dahil sa kawalan umano nito ng  doctorate degree­. 

 

ARTEMIO TUQUERO

BOARD OF REGENTS

CALINISAN

DEVELOPMENT OFFICE

HUMAN RESOURCES

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

TUQUERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with