Shabu bayad sa video karera

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 35-anyos na mister matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa ibinayad na shabu sa  paglalaro ng video karera sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Romeo Macapaz,  hepe ng Manila Police District-Station 5 ang suspek na si Suwaib Sumonsang ng Isla Puting Bato, Tondo.

Base sa police report, may tumawag sa himpilan ng pulisya­ kaugnay sa paglalaro ng video karera ng suspek  na ang binabayad ay shabu.

Agad na inilatag ang operasyon ng pulisya kaya nasakote ang suspek na nakumpiskahan ng cal.38 revolver at dalawang plastic sachet ng shabu kung saan inaresto rin ang may-ari ng video karera machine.

Show comments