2 todas sa sumabog na granada

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang na­matay makaraang su­mabog ang granada na inihagis ng di-kilalang lalaki sa loob ng compound sa Barangay West Rembo, Makati City kahapon ng umaga.

Nakilala ang dalawang namatay na sina Joseph Teodones, 37; at Helen Due habang sugatan naman sina Helen De Ocampo at isang alyas “Butchoy.”

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pagsabog dakong alas-8:45 ng umaga sa loob ng Phase 2 Teachers Compound sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinasabing si Butchoy ang pangunahing  target kung saan  hindi naman agad sumabog ang granada na nagawa pang pulutin ni Teodones at tangkang ihahagis subalit sumambulat ito.

Show comments