Pampasaherong bus nasunog sa Coastal Road

MANILA, Philippines - Matinding trapik ang dinanas ng mga motoristang bumabagtas ng Coastal Road matapos masunog ang pampasaherong bus ka­hapon ng umaga sa Las Piñas City. Base sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-7 ng umaga sa north bound lane sa nasabing lugar.

Habang binabagtas ng Stow Away Bus (TYU-999) na minamaneho ni Jonny Muñez patungong Southwest Integrated Terminal mula sa bayan ng Naic, Cavite nang bigla na lamang sumiklab ang kanang gulong sa hulihan nito.



Nabatid na sinubukang gamitan ng fire extinguisher ang nasusunog na bus pero lumaki pa ito. Kaagad na isi­nara ang northbound lane para bigyang daan ang pag-apula sa apoy at maiwasang may madamay pa sa sunog.

Pinag-aaralan na ng pamunuan ng CAVITEX kung kakasuhan ang drayber ng bus dahil sa pinsalang idinulot nito. Bandang alas-10 ng umaga nang hatakin ang nasunog na bus sa impounding­ area.

 

Show comments