Mangangalakal ng basura nilikida

MANILA, Philippines - Hindi na kinaawaan ni kamatayan ang 33-anyos na ma­ngangalakal ng basura matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki kung saan  tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril ang 5-anyos na batang babae, sa Pier 18, Road 10 sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center su­balit idineklarang patay ang biktimang si Bonifacio Alcaraz ng Katuparan  Street,Vitas, Tondo. Sa ulat ni SPO3 Ro­delio Lingcong, kinilala naman ang batang babae na si Jasmine­ Sarlego na masapol ng bala sa puwetan. Samantala, nano­nood lamang ng telebisyon sa loob ng kanilang bahay ang batang babae nang tamaan ng ligaw na bala kaya isinugod sa nasabing pagamutan.

 

Show comments