Drayber patay sa heat stroke

Walang proteksyon sa katawan ang mga mangga­gawa na nagkakabit ng tarpaulin sa Edsa, Kamuning, Quezon City laban sa tumitinding init ng panahon na posibleng­ mauwi sa heat stroke. BOY SANTOS  

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 58-an­yos na drayber ng pampa­saherong jeepney maka­raang ma-heat stroke habang natutulog sa sasak­yan sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section­, nadiskubre ang biktimang si Rodolfo Panis na hindi na gumagalaw habang naka­higa sa nakaparadang dyipni­ na ipinapasada nito sa pa­nulukan ng Lardizabal at  Pureza  Street sa Sampaloc bandang alas-5 ng umaga.

Gayon pa man, inakala ng anak na si John Mark na natutulog lamang ang kanyang ama dahil sanay umano itong sa labas ng bahay matulog dahil sa init sa loob ng bahay.

Subalit nang usisain ang biktima ay nadiskubreng patay na dahil sa matinding init ng panahon.

Nakiusap na rin ang anak na huwag na lamang isa­ilalim sa imbestigasyon sa paniniwalang walang foul play ang pagkamatay ng kan­­yang ama.

 

 

Show comments