^

Metro

Kawatan dedo sa bugbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang kawatan nang pagtulungan itong gulpihin ng walong hindi pa nakikilalang suspek makaraang maaktuhan ang una na ninanakawang isang panabong na manok kahapon ng madaling-araw sa loob ng isang sementeryo sa Pasay City.

Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan sa nasawi natinatayang nasa 45 hanggang 50-anyos, 5’2’’ hanggang 5’4’’ ang taas, payat  ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot na kulay asul na t-shirt at pantalong maong.

Sa report na natanggap ni Senior Superintendent Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Sarhento Mariano Cemetery na matatagpuan sa Zone 16, Brgy. 148 ng naturang siyudad, kung  saan pinaghahataw ito sa ulo.

Ayon sa  saksing si Richard Enriques, 24, binata, caretaker ng naturang sementeryo, bago ang insidente, alas-3:00 ng madaling araw nakita ang biktima na may dalang panabong na manok at walong kalalakihan naman ang sumisigaw ng “magna­nakaw-magnanakaw” hanggang sa hinabol at pinagtulungan  itong gulpihin. Nang humandusay ang biktima ay nagsitakas na ang mga gumulpi rito.

AYON

BRGY

HABANG

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RICHARD ENRIQUES

SARHENTO MARIANO CEMETERY

SENIOR SUPERINTENDENT FLORENCIO ORTILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with