^

Metro

Panghapong express trains ng MRT, kinansela

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang biyahe ng panghapong express trains ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ayon sa DOTC, nagdesisyon silang kanselahin muna ang afternoon operations ng express train na sinimulan lamang nitong Martes ng hapon.

Kabilang sa mga naturang panghapong express trains yaong mula sa Taft Avenue  at may pick-up stop sa Magallanes station, Ayala station, o Buendia station, at direktang magtutungo sa Cubao, GMA-Kamuning, Quezon Avenue at North Avenue stations.

Bumibiyahe ito mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Gayunman, nilinaw ng DOTC na mananatili ang biyahe ng pang-umagang express trains hanggang sa Mayo 20.

Matatandaang Mayo 7 nang simulan ang two-week experimental express train na ang layunin ay mapabilis ang biyahe ng mga pasahero ng MRT-3.

Inaasahang ie-evaluate ng MRT-3 ang resulta ng eksperimento at gagawa ng rekomendasyon sa DOTC kung gagawin nang permanente ang mga express trains.

AYALA

AYON

BUENDIA

BUMIBIYAHE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

MATATANDAANG MAYO

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

QUEZON AVENUE

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with