MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na estudÂyante ang malubhang nasuÂgatan matapos itong barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang suspek habang hinihintay ng una ang kanyang boyfriend na nagwi-withdraw sa isang ATM machine sa Makati City kamakalawa.
Mula sa Saint Claire Hospital inilipat sa UERM Hospital ang biktimang si Katrina Veronica Raymundo.
Samantala, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya at inaÂalam ang pagkakakilanlan sa suspek.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Homicide Section, Station Investigation Branch (SIB) ng Makati City Police, naganap ang inÂsidente alas-3:28 ng hapon sa loob ng Toyota Fortuner na nakaparada sa panulukan ng Bautista at Emilia Sts., Brgy. Palanan ng naturang siyudad.
Nabatid na nagwi-withdraw sa isang ATM booth ang abogadong boyfriend ng biktima habang ang huli naman ay naghihintay sa loob ng naturang sasakyan.
Isang lalaki ang aali-aligid dito at walang salitang binaril ang dalaga sa mukha at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.
Dali-daling dinala sa paÂgamutan upang lapatan ng lunas habang tikom ang bibig ng mga kaanak nito sa insidente.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang pamamaril.
Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang CCTV footage ng insidente na poÂsibleng makapagbigay-linaw sa kaso.