^

Metro

2 ‘tulak, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng shabu ma­tapos ang magkasunod na buy bust operation ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAID-SOTG) sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police­ Chief Supt Richard A. Albano, ang mga suspek na sina Romeo Villanueva, 40, at Mohamad Hadji Azis, 27.

Sa report ni Police Senior Inspector Roberto Razon Jr., hepe ng QCPD-DAID-SOTG, si Villanueva ay naaresto sa kanyang tinutuluyan, matapos na pagbentahan nito ng shabu ang isang poseur buyer na nagkakahalaga ng P10,000, alas-12:30 ng madaling-araw.

Nauna nang nadakip ng tropa si Azis sa may parking lot sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City matapos pagbentahan nito ng shabu ang nagpanggap na buyer na operatiba.

Narekober sa suspek ang marked money at isang plastic sachet ng di pa tiyak na halaga ng shabu.

Kapwa sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Section­ 5 Article 11 ng R.A 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2003.

 

CHIEF SUPT RICHARD A

DIRECTOR POLICE

DISTRICT ANTI

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

GREENHILLS SHOPPING CENTER

MOHAMAD HADJI AZIS

ORTIGAS AVENUE

POLICE SENIOR INSPECTOR ROBERTO RAZON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->