8-araw moratorium sa truck ban

MANILA, Philippines - Ipatutupad  simula ngayong araw ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 8-day moratorium sa truck ban bilang pagbi­bigay daan sa idaraos na World Economic  Forum.

Batay sa Executive Order No. 49 ni Manila Mayor Joseph  Estrada, suspendido ang truck ban simula ngayon hanggang sa Mayo 20.

Sa ginanap na press conference sa  Emergency Response Assistance Program command center, sinabi ni Estrada na layu­nin ng moratorium na matanggal ang mga containers na nakatambak ngayon sa pier.

Gayunman,  itutuloy ang truck ban matapos ang forum mula Mayo 21-23, 2014.

Kabilang din sa mga kasunduan ng moratorium ay ang pagbabawal sa parking sa A. Bonifacio hanggang Delpan Bridge at ilang mga pangunahing kalsada.

Sa kabila nito maaari ring pumasok at lumabas ng Maynila ang mga truck  alinsunod sa oras na itinalaga.

Ang mga truck operators ay magbibigay ng boluntaryong P100 bilang dispatch fee.

Bunsod nito, magdagdag ng traffic enforcers upang mapa­natili ang maayos na daloy ng trapiko.

 

Show comments