MANILA, Philippines - Pinatay o nagpakamatay.
Ito ang iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad sa pagkakadisÂkubre sa isang preso sa Quezon City jail na umano’’y nagbigti gamit ang alambre sa loob ng kanyang tarima, kamakalawa.
Kinilala ni PO2 Anthony TejeÂrero, may-hawak ng kaso, ang nasawi na si Antonio Diño 53, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang, ng Bgy. Culiat, QC.
Ayon kay Tejerero, ang biktima ay nadiskubre na lamang umano ng kanyang kasamang preso na si Alberto Chanco, habang nakahiga sa kanyang kama sa loob ng selda no. 7 ng QC jail, alas 3:30 ng hapon.
May alambre umano sa leeg na hinigpitan sa pamamagitan ng kahoy na stick nang makita ang biktima na isinugod pa sa East Avenue Medical Center, gayunman idineklara din itong patay ni Dr. Maynard Hernal, ganap na alas 4:26 ng hapon.
Samantala, ayon kay Supt. Joseph Vela, jail warden ng QC jail, nakipag-coordinate na umano sila sa Regional office ng BJMP kaugnay sa insidente. Hinihintay pa anya nila ang imbestigasyon ng CIDU upang mabatid kung may naganap na foul play.
Si Diño ay naharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11, RA 9165 o ang comprehensive drug abuse law sa QC RTC Branch 82.