Kagawad, waiter itinumba sa Caloocan at Maynila

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang itinumba ng mga armadong kalalakihan sa magkahiwalay na lugar ngayong Biyernes.

Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rogelio Escano, 53, barangay kagawad sa lungsod ng Caloocan.

Ayon kay City police chief Senior Superintendent Bernard Tambauan, nagde-deliver si Escano ng mga karne sa isang restaurant sa 8th Avenue East, Grace Park nang paputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pananambang.

Samantala, nagdidilig lamang ng halaman si Diosdado Villegas, 51, nang patayin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Naganap ang insidente malapit sa bahay ni Villegas sa kalye ng Leyte, Balic-balic, Sampaloc district sa Maynila.

Ayon sa mga ulat, nakatakdang umalis patungong Hawaii si Villegas bukas para bumalik sa kanyang trabaho bilang isang waiter.

Show comments