Police asset nilikida

MANILA, Philippines - Patay ang isang ‘striker’sa isang pre­sinto ng Navotas Police Station na isa ring asset makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang nasawi na si Jonathan De Jesus, 29, asset at striker sa Police Community Precinct 5 ng Navotas Police, at residente ng Catleya Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Sa ulat, bumibili ng cellphone load ang biktima sa isang tindahan malapit sa kanilang lugar dakong alas-8 ng gabi nang sumulpot ang gunman at walang sabi-sabing pagbabarilin ito.

Kaswal na naglakad lamang palayo ang gunman hanggang sa tuluyang mag­laho.  Hinihinalang may kasama itong look-out at siya ring nagmamaneho ng get-away vehicle na ginamit sa pagtakas.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa pagiging asset niya ang pagpaslang kay De Jesus.  Maaari umanong may nasagasaan itong sindikato ng iligal na droga na siyang nagplano ng krimen.

Show comments