^

Metro

Road re-blocking pa, ikinasa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magpapatupad  ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Kamuning Road sa lungsod ng Quezon City na inaasahang magsasanhi na naman nang pagsisikip ng trapiko dito.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) muling magpapatupad ng road re-blocking ngayong weekend ang DPWH sa ilang portion ng Kamuning Road at Tomas Morato Avenue.

Nabatid sa MMDA, base sa schedule na isinumite sa kanila ng DPWH, mula alas-10:00 ng gabi ng Bi­yernes (Mayo 2, 2014) hanggang alas-5:00 ng umaga ng Lunes, Mayo 5 isasagawa ang re-blocking sa nabanggit na lugar.   

Dahil dito, inaasahan muli  ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa isasara ang isang lane ng Kamu­ning Road, gayundin ang ikalawang lane sa pagitan ng Sct. Ybar­dolaza at Tomas Morato Ave.

Nabatid sa MMDA, na ang magiging posibleng alternatibong mga ruta ay ang Timog Ave­nue at E. Rodriguez Avenue at nanawagan ang ahensiya na huwag dumaan sa lugar na apektado ng re-blocking  upang hindi maabala ang mga ito.

Dahil sa proyekto maraming motorista ang nagrereklamo, subalit ayon sa MMDA konteng tiis aniya dahil ma­tapos lamang ang mga ito ay magiging la­king ginhawa na sa motorista.

 

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KAMUNING ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

QUEZON CITY

RODRIGUEZ AVENUE

TIMOG AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with