Engineer patay sa tandem

MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot sa pulisya ang kilabot na riding- in-tandem makaraang pagbabarilin at ma­patay ang isang inhin­yero sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang 34-anyos na si William Velasco, head engineer ng Jose Reyes Memorial Medical Center at residente ng P. Burgos st., 10th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-6:20 ng gabi, sakay ang biktima ng isang pampasaherong jeepney na bumabagtas sa10th Avenue nang lumapit ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Itiniyempo ng mga salarin na nagsasakay ng pasahero ang driver ng jeep nang pagbabarilin nang malapitan ang biktima saka pinaharurot na tumakas.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang sinabi ng ama ng biktima na may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpaslang sa kanyang anak.

Show comments