^

Metro

Pintor dedo sa boga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na natapos ang pag-inom ng kape ng isang pintor matapos na  barilin sa mukha ng isang hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa lungsod Quezon.

Si Rogelio Ganate, 45, ng Bgy. Gulod Novaliches ay agad na binawian ng buhay dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang mukha na naglagos sa likurang bahagi ng kanyang ulo, ayon kay PO3 Erickson Isidro.

Sabi ni Isidro, inaalam  pa nila ang ugat ng nasabing pamamaril upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin na agad na tumakas makaraan ang insidente.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Virginia St., corner Paquita St., Bgy. Gulod, ganap na alas 5:15 ng madaling araw.

Ayon sa testigong si Agnes Rupido, nagkaka-kape sa lugar  ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin na may bitbit ng baril at pinaputukan ang biktima.

Nang bumagsak sa semento ang biktima ay mabilis ding tumakas ang suspek, hanggang sa ilang concerned citizen ang nagpasyang tumawag ng otoridad para maimbestigahan ang insidente.

vuukle comment

AGNES RUPIDO

AYON

BGY

ERICKSON ISIDRO

GULOD

GULOD NOVALICHES

ISIDRO

PAQUITA ST.

SI ROGELIO GANATE

VIRGINIA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with