MANILA, Philippines - Ginilitan ng sariling pinsan ang isang 18-anyos na estudyante habang nasa playground ng Paraiso ng Batang Parola matapos maÂlaman na nabuntis niya ito sa dalawang beses na pagtatalik sa Tondo, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Namatay noon din ang biktimang si Junesa Rusco, ng Gate 1, Area H, Parola Compound, Tondo, Manila makaraang gilitan at tinaraÂkan ng kutsilyo sa leeg ng umano’y bumuntis sa kanyang pinsan na si Romnick Joseph Alon, 19, ng Gate 1, Pier 2, North Harbor, Tondo na agad na naaresto ng mga rumespondeng mga baÂrangay tanod.
Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang madugong inÂsidente sa nasabing palaÂruan, dakong alas-8:30 ng gabi, nitong Biyernes Santo.
Bago ang insidente, alas- 8:00 ng gabi ng araw na iyon ay katatapos lamang maghapunan ng biktima sa kanilang bahay kasama ang ama nang yayain ng mga pinsan na sina Ronelyn Pecargo at Rosalyn Alon, nakatatandang kapatid ng suspek, para magpahangin sa nabanggit na playground.
Nadaanan umano ng biktima sa paanan ng Delpan bridge ang suspek at isinama upang mag-usap. Nakiusap pa ang suspek kina Ronelyn at Rosalyn na iwan silang dalawa ng biktima upang makapag-usap sa may padulasan.
Sa kanilang pag-uusap, nagbanta umano ang biktima na sasaksakin at papatayin siya ng ama niya kapag naÂlaman ang kanilang relasyon at ang pagbubuntis nito.
Dahil dito, naguluhan umano ang suspek sa sitwasyon dahilan ng pagtatalo hanggang sa bigla na lamang tarakan sa leeg ang biktima habang sa ’di kalayuan ay nakatalikod ang dalawa nilang kasama.
Depensa ng suspek, ang ate niyang si Rosalyn ang nagsabi sa kanya na buntis ang biktima kung kaya nagÂduda siya sa ipinagbubuntis ng huli. Bagaman dalawang beses umano silang nagtalik, subalit dalawang linggo pa lang umano ang nakalipas at imposible na ma-delay kaÂagad ang menstruation nito at mabuntis.
Nang mag-isang naglalakad paalis ang suspek ay binalikan umano ng dalawang kasamahan ang biktima at nagulantang nang makitang nakahandusay na at duguan subalit hindi agad na nakaÂgawa ng aksyon dahil sa matinding takot.
May isang babaeng dumaan sa lugar ang nakakita sa duguang biktima kaya siya nagsisigaw kung kaya nagpasya na rin sina Ronelyn at Rosalyn na humingi ng tulong sa mga barangay tanod.
Nang pasukin ang pinagtataguan ng suspek, isang Ian de Castro, barangay secÂretary, ang nakakita sa ginawang paghuhubad nito ng duguang t-shirt at itinapon sa compound ng San Miguel Bottling Corporation, hindi kalayuan sa lugar.
Narekober ng mga pulis ang nasabing t-shirt, na natuklasang doon ibinalot ang duguang kutsilyo na ginamit sa krimen. Takot umano ang suspek sa tiyuÂhin na ama ng biktima kaya nagdilim ang kanyang paniÂngin at napatay ang pinsan.
Sa pagsisiyasat, nabatid na second degree cousins ang biktima at suspek.