MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi habang anim pa ang sugatan matapos ang pamamaril ng isang grupo ng kalalakihan na nag-ugat sa pustahan sa iligal na drag racing ng motorsiklo sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ni PO2 Erick Isidro, nakilala ang nasawi na si Jackie Pajaroja, 22; hair stylist ng Jordan Plain Subdivision, Brgy. Sta. MoÂnica sa lungsod.
Habang ang mga sugatan ay nakilalang sina Carl Webb, 36; Michael Raye Tolentino; Jeffrey Virray, 33; Mico CaguinÂdagan, 19; Nico Tanchaves, 28; at Joe Ed Salvador, 22; paÂwang mga residente sa lungsod.
Tinatayang nasa 15 katao ang responsable sa nasabing pamamaril at ngayon ay kaniÂlang pinaghahanap.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may AberÂdeen St., corner Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro, alas-4:20 ng madaling-araw.
Bago ito, lumilitaw na ang biktima at mga suspek ay nagÂlaban sa iligal na motorcycle drag race sa nasabing lugar.
Pinahiram ni Pajaroja ang kanyang Yamaha motorcycle sa isang Jojo para magamit sa karera laban sa motorsiklong gagamitin ng mga suspek.
Nagkasundo ang dalawang panig na ang karera ay gawing “best of three†pero isa lang ang nangyari dahil natalo ang mga suspek.
Matapos matalo, nagpasya ang mga suspek na umalis kahit hindi nagbayad, pero kinompronta ito ng biktima. NaÂÂuwi ang komprontasyon sa maÂinitang pagtatalo dahil inaÂkusahan ng suspek ang biktima na nandaya sa karera.
Sinasabing papaalis na sana sa lugar ang isang kasamahan ng biktima na si NepÂtalie Rosales nang marinig nito ang mga putok ng baril kung kaya agad nilang pinuntahan ni Webb ang lugar sakay ng isang Ford (UQR-427).
Pero, habang nasa daan ay pinagbabaril din sila ng mga suspek sanhi para tamaan ng bala sa ulo si Webb at agad na itinakbo ni Rosales sa Commonwealth Medical Center para magamot. Matapos nito, bumalik si Rosales sa lugar kung saan niya nakita ang bikÂtima na duguang nakahandusay sa kalye.