Rider sugatan nang mahulog sa EDSA flyover

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang lalaki matapos mahulog sa isang flyover sa kahabaan ng EDSA ngayong Biyernes.

Nawalan ng kontrol ang hindi pa nakikilalang biktima nang dumaan siya sa Buendia flyover na sakop ng lungsod ng Makati.

Nahulog sa southbound lane ng EDSA ang lalaki na mula sa Kalayaan Avenue.

Naiwan ang motorsiklo ng biktima sa flyover nang mangyari ang aksidente bandang alas-7 ng umaga.

Kaagad naman rumesponde ang rescue at medical personnel upang tulungan ang biktima.

Show comments