MANILA, Philippines - May bagong teknolohiya na dine-develop ngayon ang tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para mabigyan ng tiyak na trabaho ang mga taga -lungsod laluna ang mga bagong graduates sa pamamagitan ng on line services.
Sa isang panayam, sinabi ni Vice Mayor Belmonte na ang naturang sistema ay ang paglalaan ng on-line website ang Public Employment Service Office (PESO) ay direktahang kokonekta sa mga kompanya sa lungsod para magbigay ng direct jobs sa mga taga-lungsod.
“Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga QC base company ay direktahan nang makikipag-ugnayan sa PESO para sa hiring at mabigyan sila ng trabaho,†pahayag ni Belmonte.
Ang PESO din anya ay patuloy na nagsasagawa ng matching ng trabaho at skills para maging productive sa trabaho ang sinumang nag-aaplay.
Ang on-line service anya ay pormal na ilulunsad sa pagdiriwang ng Jubilee year ngayong taon para sa kapakanan ng mga taga-lungsod na nais makakuha ng trabaho na batay sa kanilang kalidad, skills at natapos sa pag aaral.
Ang pahayag ay ginawa ni Vice Mayor Belmonte bunga na rin ng taunang pagdami ng mga naghahanap ng trabaho lalo pa’t may 500,000 graduates ngayon ang bansa.
Ang mga interesadong applicant na taga-QC ay maÂaaring mag-open ng website at mag-log in sa PESO para dito na mismong mag-email ng kanilang resumé at hindi na gagastos sa pagpunta sa QC hall para sa aplikasyon.