12 sasakyan karambola sa C5-Kalayaan

MANILA, Philippines – Mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng C5 Road matapos magkarambola ang 12 sasakyan ngayong Martes ng hapon.

Base sa pangunang imbestigasyon ay nawalan ng preno ang isang sasakyan dahilan upang magbanggaan ang iba’t ibang klase ng sasakyan sa C5 Kalayaan na bahagi ng lungsod ng Makati.

Anim na katao ang sugatan, ngunit dalawa lamang ang isinugod sa ospital.

Kaugnay na balita: Ex-PBA player patay sa karambola sa SLEx - report

Hanggang ngayon ay hindi pa natatanggal ang mga sasakyan at isang lane pa lamang ang nadaraanan.

Kagabi ay tatlong sasakyan naman ang nagkarambola sa northbound ng South Luzon Expressway kung saan dalawa ang nasawi.

Kabilang sa mga namatay ang dating basketbolistang si Bryan Gahol at kasama niyang babae.

 

Show comments