2 niratrat: 1 patay, 1 kritikal

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi habang isa pang kasamahan nito ang malubhang nasugatan makaraang paulanan ng bala ng walong armadong lalaki habang ang mga una ay sakay ng isang motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO2 Julius Balbuena, nakilala ang nasawi na si Adrian Delima, 24, ng Sto. Niño St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod. Habang ang sugatan naman ay nakilalang si Manhil Adona, 43, na residente din sa nasabing lugar.

Mabilis namang nagsi­takas ang 8 suspect sakay ng apat na motorsiklo na walang plaka matapos ang insidente. Nangyari ang pama­maril ganap na alas- 12:20 ng tanghali sa may Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit.

Bago ito, minamaneho ng biktimang si Adona ang isang motorsiklo angkas si Delima at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga motorsiklo ng mga suspek at lumapit sa mga una at sunud-sunod na pinaulanan ng bala ng baril ang una. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments