^

Metro

Kelot patay sa rambol

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa ospital ang isang mekaniko makaraang pagsasaksakin ng grupo ng mga kala­lakihan sa kalagitnaan ng rambulan ng kani-kanilang grupo  sa lungsod Quezon.

Si Melvin Candido, alyas Dodong, 21, motor mechanic, ay naisugod pa sa ospital pero idineklara ding patay dahil sa isang tama ng saksak sa kaliwang kili-kili at tusok ng matulis na bagay sa kaliwang balikat, ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, may-hawak ng kaso.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng imbestigador kung sino ang grupong nakasagupa ng mga biktima, upang matukoy ang sinasabing mga salarin.

Naganap ang  insidente sa may harap ng isang bulaluhan na matatagpuan sa Sto. Domingo St., corner BF Road, Brgy. Holy Spirit, ganap na ala-1:15 ng madaling-araw.

Bago ito, ang biktima kasama ang tatlong kaibi­gan ay kumakain sa bulaluhan nang dumating ang grupo ng mga suspek at hinamon ng suntukan ang grupo ng una.

Pinagbigyan  naman ng grupo ng mga biktima ang hamon, hanggang sa tulu­yan nang nagsuntukan ang mga ito. Pero sa kalagitnaan ng rambulan ay nagbunot ng patalim ang ilan sa mga suspek at tinarakan ang biktima na ikinabuwal nito sa simento.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek.

vuukle comment

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

DODONG

DOMINGO ST.

HOLY SPIRIT

MATAPOS

NAGANAP

SI MELVIN CANDIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with