MANILA, Philippines - Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 27 kababaihan na kinabibilangan ng ilang menor de edad na iligal na nirecruit at ikinulong ng kanilang recruiter sa Maynila.
Kasabay nito, kakasuhan ng Illegal Detention, Syndicated and Large Scale Illegal Recruitment, Qualified Human TrafÂficking at Special Protection of Children Against Abuse of Exploitation and Discrimination Act si Noemi Fernandez, 50, ng #993 Arlegui St., Quiapo, Maynila at may-ari ng Muraken Recruitment Agency na maÂtatagpuan sa Mabini St., Malate, Maynila.
Sa ulat ni Chief Insp. Dennis Wagas, hepe ng MPD-GAS dakong alas 6:30 ng gabi nang salakayin nila ang bahay ng itinuturong pinagkukulungan umano ng may 27 babae kasama ang mga menor de edad .
Nag-ugat ang pagsalakay nang dumulog ang kaanak ng isang 15-anyos na dalagita hinggil sa pagbabawal ng suspek sa mga biktima na lumabas ng bahay simula nang dumaÂting mula sa Maguindanao. Idinaan muna umano sila sa Muraken Recruitment Agency office at hindi na nakalabas, sa pangakong makakaalis din patungong Middle East.
Itinanggi naman ng suspek na iligal ang kaniyang pagre-recruit.