Pamilyang Cudia dudulog uli sa Korte Suprema

Muling dudulog ang pamilya ng dinismis na PMA cadet na si Aldrin Jeff Cudia sa Korte Suprema para maaksiyunan ang kasong hindi pagka-graduate ng nabanggit na kadete sa akademya. Ipinakikita ni Renato Cudia, ama ni Aldrin (gitna) ang transcript of record ng ka- dete sa isinagawang press conference kahapon sa tanggapan ng PAO. (Kuha ni BOY SANTOS)

MANILA, Philippines - Babalik sa Korte Suprema ang pamilya ng dinismis na Philippine Military Aca­demy (PMA) Cadet Aldrin Jeff Cudia para hilingin na aksiyonan ang kaso ng hindi nito pagka-graduate bilang kadete ng akademya nga­yong taon.

Sa ginanap na press conference sa Public Attorney’s Office (PAO) office sa QC, inamin ng pamilya Cudia na muli silang nagsa­lita ngayon kaugnay ng isyu dahilan sa wala silang natatanggap na pagkilos dito ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Ginoong Renato Cudia, ama ng kadeteng si Cudia na hindi sila makakapag-move-on dahil nakalagay sa transcript of record ng kanyang anak ay indefinite leave lamang at walang proper closure.

Hiling pa ng pamilya na tapusin na sa lalong mada­ling panahon ang reinvestigation ng Armed Forces of the Philippines hinggil sa na­turang isyu.

Matatandaang si Cudia ay hindi nakasama sa mga nagsipagtapos ngayong taon sa hanay ng mga graduates­ sa PMA Siklab Diwa Class 2014 dahil sa isyu ng uma­no’y pagsisinungaling nito.

 

Show comments