3 ‘tulak’, 1 pa huli sa drug bust

MANILA, Philippines - Tatlong hinihinalang ‘tulak’ at isang user ng iligal na droga­ ang nadakip ng mga tauhan ng Valenzuela City Police­ sa ikinasang magkasunod na operasyon, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga naaresto na mag-asawang Carlos­ Mentino, 36 at Raquel, 36; Isidro Mamon at Romeo Bernabe­, Jr.

Sa ulat, isang operasyon ang ikinasa ng pulisya maka­raan ang sumbong sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa bahay ng mag-asawang Mentino. Naaktuhan ng mga lumusob na pulis na gumagamit ng iligal na droga ang mag-asawa kasama si Mamon dakong alas-2 ng hapon.

Dakong alas-11:50 kamakalawa naman ng gabi nang madakip si Bernabe nang magbenta ng isang pakete na nag­lalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa may Little Tokyo Street, Gen. T. De Leon Street.

Nang kapkapan ito, tatlong pakete pa na naglalaman ng iligal na droga ang nakuha sa posesyon nito.

 

 

Show comments