MANILA, Philippines - Dala ng labis na depresyon matapos na hindi maÂkahanap ng trabaho, isang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang magpasya itong tumalon mula sa ikalawang palapag ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay SPO1 John Sales ng Quezon City Police Station 10, ang biktima ay nakilalang si Cristobal Delia, 26, na ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa matinding injuries na kanyang tinamo sa buong katawan.
Nangyari ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa MRT-GMA Kamuning.
Sabi ng ilang saksi, bago ang pagtalon, napuna umano nila ang biktima na nagmaÂnik-manaog sa hagdan ng MRT na tila balisa at problemado.
Sa ikalawang palapag ng MRT, partikular sa hagÂdaÂnan ay patingin-tingin pa ito sa ibaba, at nang wala nang makitang nagdaraang tao ay saka biglang lumundag at bumagsak sa outerlane ng Edsa.
Dagdag ni Sales, matagal na umanong naghahaÂnap ng trabaho ang biktima, pero hindi matanggap-tanggap, dahilan para mauwi ito sa depresyon at tumalon sa MRT.
Mabilis namang dumaÂting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue at isinugod ang biktima sa East AveÂnue Medical Center.