MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 28-anyos na modelo na sinasabing nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 28th floor na condominium unit maÂtapos mag-away ng kanyang nobyo sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Pasig police chief Sr. Supt. Mario Rariza Jr., ang nasawi na si HeÂlena Belmonte, dalaga, isang Fil-Am, nakatira sa Unit-B 28th floor Renaissance 1000 Tower, Meralco Avenue, Pasig City.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pagtalon ng biktima mula sa kanyang unit sa 28th floor at bumagsak ito sa ika-pitong paÂlapag ng gusali.
Sinabi ni Punzalan, nahirapan silang kunin ang bangkay ng biktima dahil sumampay ang katawan nito sa isang ‘exhaust’ na makina.
Ganap na alas-7:00 ng umaga nang makuha ang bangkay ng biktima dahil tinawagan pa at hininÂtay ang pagdating sa crime scene ng ilan nitong kamag-anak.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing bago maganap ang pagtalon ng biktima sa gusali ay inaway ito ng kanyang boyfriend na hindi pa tinutukoy ang pangalan.
PosibÂleng labis na dinamÂdam ng biktima ang pag-aaway nila ng kanyang nobyo kaya naisipan nitong tumalon sa gusali.
Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasÂyon ang pulisya para mabatid kung may naganap na ‘foul play’ sa pagpapakamatay ng dalaga.