MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Nakilala itong si Mark Estiven Deximo, construction worker at stay-in sa pinagta-trabahuhan sa Kubili St., Brgy. Quirino 2-A sa lungsod.
Ayon sa ulat, si Deximo ay naabutan na lamang ng kanyang kasamahang si George Paclauna na nakabitin sa kisame ilang minuto matapos itong makipag-inuÂman sa kanilang kasamahan sa construction site na kanilang pinagtatrabahuhan ganap na alas-11 ng gabi.
Sa inuman, narinig umano ni Paclauna ang biktima na nagsalita sa isa nilang kasamahan ng katagang “bukas patay na ako†bago ito pumanik sa ikatlong palapag ng gusali.
Ilang minuto ang lumipas, sabi ni Paclauna sinundan niya ang biktima kung saan niya nakita itong nakabitin sa kisame.