MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District- Plaza Miranda-PCP ang kilabot na snatcher at mga mandurukot sa Maynila.
Kinilala ang mga suspect na sina Harold Verilan, 40; Marlyn Balat, 38, ng Del Pan Tondo, Maynila; Benny Garcia, 20; Jennilyn Sebastian, 19; at Jacklyn Galang, 42, pawang mga residente ng Basan St. Quiapo, Maynila.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni Insp. Rommel Anicete, Plaza Miranda PCP commander, nadakip ang snatcher na si Verilan, matapos na ireklamo ng biktimang si Patricia Ann Creus, 16, 1st year college sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Agad na pinakalat ni AniÂcete ang kanyang mga tauhan na sina PO3 JoÂnathan Salcedo, PO3 Joseph Almayda, PO2 Rogin Obina at PO1 Reynaldo Fortaliza noong Marso 12 dakong alas-3 ng hapon sa bisinidad ng Quiapo kung saan agad namang hinabol ang suspect sa loob ng isang gusali.
Subalit minalas naman itong mahulog sa kisame na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. Positibo naman itong kinilala ng biktima na umagaw ng kanyang Samsung cellphone na nagkaÂkahalaga ng P30,000.
Samantala, inireklamo din ng pandurukot ng negosyanteng si Mahmon JulsiriÂ, 60, sina Balat, Garcia, Sebastian at Galang. Aniya, binangga siya ng mga ito at kinuha ang kanyang cellphone habang naglalakad sa Carriedo St. dakong alas 3 ng hapon.
Ang mga suspect ay sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya kasabay ng pagsusumite ng report kay MPD-Station 3 Commander, Supt. Adrine Gran.