MANILA, Philippines - Isa ang nasawi haÂbang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang dalawa pa na umano’y miyembro ng Burdado Carnap Group matapos na maka-engkuwentro ang pulisya sa Taft. Avenue sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawi na si Michael de Guzman, 27, ng Corregidor St., Tondo.
Ang ikalawang suspek na kinilalang si Mark Davis, 31, ng San Perfecto St., San Juan City ay isinugod sa Ospital ng Maynila matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Natunton naman ng mga pulis sa Capitol MeÂdical Center ang ikatlong suspek, na kinilalang si Ogie Ramos, 45, ng PanÂdacan, Maynila na nagtamo ng bala sa dibdib at balikat at inilipat na sa Philippine General HosÂpital (PGH).
Sa ulat ni SPO3 GeÂrardo Rivera, operatiba ng MPD-Anti-Carnapping Unit, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.
Natiyempuhan lamang umano ng mga taÂuhan ng ANCAR ang mga suspek lulan ng tatlong motor na humahaÂgibis at nang habulin ay lalo pang humarurot. Hinabol umano ito ng mga awtoÂridad at nauwi sa pagpapalitan ng putok na ikinatama ng mga suspect.
Nakatakas umano si Ramos na nadakip din sa Capitol Medical Center.
Ayon sa nabiktima na si Nikko Mendoza, 23, habang binabagtas niya sakay ng kanyang motorsiklo ang Quirino Avenue, ay dinikitan siya ng riding-in-tandem sakay ng kulay violet na Yamaha Mio at tinutukan siya ng baril, habang ang isa pang nakamotorsiklo ay nakaantabay.
Sa halip na huminto at ibigay ang motorsiklo, pinaharurot na lamang umano ng biktima at nang makakita umano ng barangay tanod ay bigÂlang binitawan ang motorsiklo bago kinuha ang susi habang ang mga pulis na nagkataong nasa kalye ay nakipagÂhabulan na sa mga suspek.