MANILA, Philippines - Ninakawan na, pinatay pa ang isang batang fashion designer ng dati umanong tauhan noong Martes ng umaga sa Makati City.
Si Kenneth Chua, 38, ng Dayap St., Brgy. Palanan ay natagpuan ng kanyang mga magulang na duguan at wala nang buhay alas-11:45 ng umaga noong Martes sa loob ng comfort room nito sa naturang lugar na may apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may laslas sa leeg at nakatali ang mga kamay nito.
PoÂsible umanong nanlaban ang biktima at hindi iisang tao ang may kagagawan sa pagpatay dito.
Nadakip naman ang suspect na kinilalang si Rogelio Acquiat, dating master cutter ng nasawi. Natunton ito, matapos na gamitin ang ATM ng biktima sa isang ATM machine sa Caloocan City.
Nabatid na isa si Chua sa mga batang designer na gumagawa ng damit ng mga sikat at kilalang artista sa bansa at sinaÂsabing kabilang sa kliyente ni Chua ay ang ilang artista ng ABS-CBN at ilang beauty queen.