^

Metro

Malabon fire: 7 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao ang nasawi makaraang maipit sa kani-kanilang bahay nang sumiklab ang isang ma­laking sunog sa isang residential area sa Ma­labon City, kahapon ng madaling-araw.

Apat sa mga biktima ang nakilala ng pulisya na sina Tomas Cruz, 72; anak na si  Maylene Cruz-Mateo, 38; mga anak ni Maylene na sina Lelei, 10; at Raylei, pawang mga naninirahan sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros ng na­sabing lungsod.

Sunog na sunog din naman ang magkakapatid na Doliri na sinasabing ka­anak din ng mga nasawi. 

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina PO2 Benjamin Sy, Jr. at PO1 Junny Delgado, ng Caloocan Police, nagsimula ang sunog dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa hindi pa matukoy na bahay sa kahabaan ng Espiritu St., Brgy. Tinajeros.

Agad na rumesponde ang mga bumbero ma­tapos na matanggap ang tawag.  Umabot ang sunog sa 4th alarm nang mahi­rapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar dahi­l sa sobrang kitid ng mga daan. Na­ideklara lamang­ na under control ang sunog dakong alas-5:27 ng madaling-araw.

Hinihinalang buhat sa sumabog na tangke ng liquefied petroleum gas ang sunog pero hindi matukoy kung saang bahay nagmula.

Nasa kasarapan naman ng pagtulog ang mga biktima na hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Aabot naman sa 100 bahay ang nasira ng sunog at nasa 1,000 residente ang naapektuhan nito.

vuukle comment

BENJAMIN SY

BRGY

CALOOCAN POLICE

ESPIRITU ST.

JUNNY DELGADO

MAYLENE CRUZ-MATEO

SHY

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with