7-buwan fetus natagpuan sa tabi ng banko

MANILA, Philippines - Isang 7-buwang lalaking fetus ang natagpuan sa tabi ng isang  banko  sa Sta Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong  alas-8:00 ng gabi nang madiskubre ang fetus sa tabi ng Banco De Oro sa Rizal Avenue sa pagitan ng Batangas at Laguna Sts., Sta. Cruz.

Unang itinawag sa MPD-Station 3 ang nadiskubreng fetus na wala namang nakitang indibidwal na nagtapon doon.

Nakabalot sa isang shorts na satin ang nasabing fetus na inilagak na sa Nathan Funeral Homes para sa safekeeping.

 

Show comments