Lalaki utas matapos tagain sa ulo

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos tagain ng isang umano’y nagselos na suspek kagabi sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa mga awtoridad, taga sa ulo at balikat ang ikinasawi ng biktimang si Benjie Flores Linggo ng gabi sa Batasan Hills, Quezon City.

Naglalakad lamang ang biktima nang biglang bumulagta dahil sa tama ng taga sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Suspetsa ng ka-live in ni Flores na si Annie Marsan na dating ka-relasyon niya ang nasa likod ng insidente.

Pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang suspek na nakilala lamang sa pangalang “Raymond” na isang magbubuko.

Show comments